O, hindi muna ako magflu-fluent English sa blog post na ito, ha? Mas ramdam ko kasi pagusapan ang ganitong topic kapag sa komportableng wika ko inihanay. 🙂 And, LAHAT ITO OPINYON KO, ha? Kung nega ka, huwag mong basahin.

Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Anong ginawa mo para magmove-on?

Ikaw ba ay…

  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpaikli ng buhok.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakalasing.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpaka-busy.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakapagod sa sayaw.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakaseryoso sa volleyball training.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpaganda.
  • Nagmahal. Nasaktan. Humugot sa klase.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakulay ng buhok.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakasaya kasama ang kaibigan.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagmahal ng iba.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagpakasal.

Alin diyan? O baka naman, wala pa diyan? Para makapagmove-on, marami tayong ginagawa to feel better, diba? Ako, personally, ang huling ginawa ko ay nagpagupit ako ng buhok. Ang buhok ko na halos nasa may baywang ko na, pinagupitan ko ng bob cut na naka-shave yung likod. First time kong ginawa ‘yon! Inabala ko pa ang best friend ko na antayin ako, e sobrang gabi na ‘yon. But you know what, I felt more confident and light. Para bang pinagupitan ko narin lahat ng pain na naramdaman ko.

Pero isa lang ang na-realize ko: HINDI PAGMOMOVE-ON ANG PAGPAPAGUPIT. Haha! Dami ko paring iniyak after kong magpagupit. Doon ko rin napagtanto na love is really unplanned; you just don’t know when TRUE LOVE will come to you.

MASARAP MAGMAHAL PERO MAS MARAMING SAKIT ANG KATUMBAS NITO.

Kapag nagmahal ang karamihan sa atin, ibinibigay natin ang lahat — ultimo ang sarili nating kaligayahan, isasakripisyo natin basta mapasaya at maiparamdam lang natin sa taong mahal natin na we love them to the moon and back. Ngunit, paano kung WALA LANG PALA ITO SA KANILA? Aray! Ang sakit! Nabaliwala ka na, nasaktan ka pa ng sobra-sobra!

Hindi ako naging perpektong girlfriend. Sino ba ang taong perpekto? Nagkamali ako, nakapanakit, at nagpatalo rin ako sa mga temptations. Kung tutuusin, mahirap ako pakisamahan dahil SEVERE ang mga emotions ko — kapag galit ako, sobrang galit; kapag may topak ako, sobrang topak. At ang mahirap pa doon, kailangan rin danasin ng mga naging boyfriend ko ang mga problema ko sa buhay *susmiyo! isa akong taong blessed sa problema*. Pero, masasabi ko na ibinigay ko lahat ng pagmamahal sa mga naging boyfriend ko.

PAANO AKO NAG-MOVE ON?

Marami akong ginawa para magmove-on. Actually, lahat ng binanggit ko sa taas, iyon ang ilan sa mga ginawa ko… ILAN LAMANG ‘YON! Ang latest doon ay yung NAGPAKASAL AKO *mahabang kwento ngunit happy ending*. Sa dami ng relationships na pinagdaanan ko, iba-iba ang dahilan kung bakit ako nasaktan. Nariyan ‘yong THIRD PARTY, nagsawa sa akin, TINAKE ADVANTAGE ako, at yung isa sa mga pinakamasasakit ay ‘yong akala niya HINDI AKO MAPAPAGOD NA BASTA NA LANG BALIWALAIN NIYA AKO. Pero, paano ko ba nalagpasan lahat ng sakit dulot ng LOVE? Marami akong sinubukan. Marami akong ginawa para makalimot. Ito ay ang mga paraan na pwede mo ‘ring gawin (base ito sa aking ginawa at pinagdaanan):

10 TIPS PARA MAKAPAG MOVE-ON

  1. DAPAT MAY CLOSURE KAYO. Oo, mas madali talagang mag move-on kapag may closure kayo. Ito ay dahil malinaw sa inyong dalawa bakit hindi kayo nagkaroon ng FOREVER. Hindi ka magtatanong sa sarili mo gabi-gabi na ‘BAKIT HINDI NAG-WORK OUT ANG RELATIONSHIP NAMIN?’. Pero kung talagang wala siyang balak magbigay ng closure sayo, skip to number 2.
  2. PATAYIN. Patayin mo siya! Joke! Haha! Hindi, patayin mo na ang communication ninyong dalawa. Aba, nag-break kayo tapos maguusap kayo? Hindi ka makakapag move-on niyan, bes! Kung kailangan na i-block mo siya sa FB, go! It’s not a sign of immaturity; it’s one way to stop your communication with him/her. Kung memorize mo naman ang number niya, kalimutan mo na. Burahin mo siya sa phonebook mo. Madaling makalimot ng numbers. Instead, i-text mo na lang ang mga friends mo or di kaya ang family members mo na tunay na nagmamahal sayo. Malay mo, makatulong pa sila sa pagmomove-on mo.
  3. MAGING BUSY. Totoo ito. Kapag kasi hindi ka busy, ‘yong tipong tambay tambay ka lang, ang dami mong idle time para isipin siya. Lalo mo pang pagbutihin ang career mo! Mag-sports ka! Kung may pera ka naman, mag-travel ka kasama ang pamilya at mga kaibigan mo! Ang daming pwedeng gawin sa buhay natin para maging busy.
  4. STOP ENTERTAINING HIM/HER. Kung bigla naman siyang bumalik at sinabing SORRY, ay bes, huwag na lang. Kung once pa lang niya ginagawa ang isang kasalanan, edi sige, pagbigyan mo. Pero kung napapansin mo ng paulit-ulit na niyang ginagawa, tama na. Hindi ko sinasabi na huwag magbigay ng chance. Tama lang na magbigay tayo ng chance. Pero kung unli chance, bes, HUWAG TANGA! Based on my experience kasi madalas niya akong sinuyo noon kapag alam niyang mawawala na ako sa kanya; either ayoko na or may gustong umangkin sakin. Kaya ayon, ilang beses rin akong nasaktan sa pare-parehong rason.
  5. MAGMAHAL NG IBA. Marami siguro ang hindi sasangayon sakin dito pero alam niyo, ito ang nagbigay sakin ng happily ever after. Ingat nga lang. Kung magmamahal na kayo ng iba, make sure handa na ang puso niyo at, handa rin siyang mahalin ka ng tunay. Baka mamaya kasi rebound girl or boy niyo lang ang susunod niyong karelasyon. Huwag ganun. Basta kung sa tingin niyong deserving yung tao, go! Walang 3-month, 3-month rule! E kung umayos lang yung ex niyo edi sana kayo parin, diba? *opinyon ko lang ito ha, baka may mag-react diyan, lol!*
  6. ACCEPT THE FACT NA WALA NA KAYO. Kung ayaw na niya at kung sakaling may gusto na siyang iba, tanggapin mo na lang. Sige, okay lang na iiyak mo yan kahit ng isang buwan o mahigit, pero after that, stop; think; and, accept. Hindi madaling gawin ito lalo na kung third party ang dahilan, pero acceptance will set your heart free.
  7. TRY A NEW HOBBY. Sabi ko kanina, maging busy, pero dapat may masaya ka rin sa ginagawa mo. Subukan mo yung mga bagay na hindi mo talaga ginagawa noon. Halimbawa, ikaw ay taong puro trabaho lang. Try mo naman mag-laro ng badminton kasama best friend mo. O di kaya naman ay mag-try ka ng mga kakaibang recipes kung marunong kang magluto. Maraming mga hobbies na pwedeng gawin ngayon lalo na ngayon na marami ng pasyalan ang may mga activities para sa iba’t-ibang hobbies ng tao.
  8. BUILD UP YOUR CONFIDENCE. Oo, nagpaikli ako ng buhok dati at ang sabi ko kanina, hindi parin ako nakapag move-on. Subalit, kung ibui-build up mo ang confidence mo, mas magiging productive ka at higit sa lahat, mas rerespetuhin mo ang sarili mo. Nasasayo iyan kung paano mo gagawin. Pwedeng magpaganda ka o mag-ayos ka. Tignan mo, pagpasok mo sa trabaho, mas ma-appreciate ka ng tao kasi blooming ka. So ikaw, mabo-boost yung confidence mo. Hindi ka dapat magmukhang losyang dahil lang iniwan ka o nasaktan ka. Pwedeng mag-work out ka to tone your body. Maraming ways para ma-boost mo ang confidence mo. Kapag tuluy-tuloy mong ginawa ‘yan, makakalimot ka. Mas mafo-focus mo ang sarili mo na mahalin ang SARILI MO.
  9. IWASAN MO MAGING ALONE KA. Huwag kang madalas na mag-isa lalo na kung kaka-break niyo palang. Lalo ka kasi magbr-break down. Surround yourself with great and positive people. Iwasan mo yung mga taong lalo kang paiiyakin dahil pagsasabihan ka tungkol sa nangyari sa relationship niyo. Mas maganda, kung open ka sa family mo. Be with them. Ayain mo silang lumabas or mag-outing kayo. Sila kasi magpaparamdam sayo na maraming nagmamahal sayo at katanggap-tanggap ka para mahalin. Spend your time with your real friends, too! Take note ha, REAL FRIENDS. Ingat ka rin sa mga pagsasabihan mo at sasamahan mo. Yung iba diyan, advice advice kunwari pero sinasaksak ka na patalikod. Basta, be with positive and real people who love and accept you.
  10. LOVE YOURSELF. Aside from your family and friends, walang ibang magmamahal sayo kundi IKAW. Huwag mong saktan ang sarili mo pagkatapos ng break up. Parang TANGA yung mga naglalaslas at nagseself-harm dahil lang heartbroken sila. Walang idudulot na maganda ‘yon! Instead, mas mahalin mo pa ang sarili mo dahil ‘yon ang kailangan mo. I-reward mo ang sarili mo ng paborito mong pagkain. Bilhan mo ang sarili mo ng damit na gusto mo. Basta, maraming ways para mahalin ang sarili mo. Nasaktan ka na nga tapos sasaktan mo pa sarili mo, NON-SENSE ‘yon.

Iilan lang yan tips na iyan para makapag move-on. Ikaw? May tips ka ba na wala sa nabanggit ko? Share mo naman! Comment mo or message mo ako sa Facebook para mai-share ko rin sa iba. I’ll feature you, pa! If you have moving-on stories, share them and I may feature you in my blog. Your tips and stories can help people who are struggling sa pag move-on.

jkinm

Break-ups and heartaches are meant to happen. They will teach you lessons and they will make you stronger.

Just wait. Someone will love you, forever. At 23, this is what I learned. 🙂

LOVELOTS,

VEEH ❤

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s